‘Justice for Percy Lapid’

‘Justice for Percy Lapid’

Magkakasamang nagtungo ang isang grupo ng mga kababaihang nakasuot ng t-shirt na may nakasulat na “Justice for Percy Lapid” sa burol ng namatay na mamamahayag sa pamamaril Lunes ng gabi.

Ayon sa naturang kababaihan, masugid diumano silang taga-subaybay sa programa ng pinaslang na broadcast journalist at radio commentator na may pamagat na “Lapid Fire.”

Ang mga labi ni Percival “Percy Lapid” Mabasa ay kasalukuyang nakaratay sa Manila Memorial Park sa Paranaque.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply