Katutubong Dumagat tumanggap ng ayuda sa civic ‘Eagles’ clubs

Katutubong Dumagat tumanggap ng ayuda sa civic ‘Eagles’ clubs

Nag-abot ng sari-saring ayuda ang Kingsmen Knights Eagles Club, Excalibur Knights Lady Eagles Club, Cavalry Knights Eagles Club CLRXXVIII Supreme Knights sa mga katutubong Dumagat sa Barangay San Lazaro, Norzagaray, Bulacan kahapon.

Hindi magkamayaw sa kasiyahan ang mga katutubo sa mga natanggap nilang 150 na sakong bigas, 300 food packs,150 snacks at gamit eskwela para sa mga bata.

Ayon sa isang miyembro ng club na hindi nagpakilala ay patuloy nilang gagawin ang pagtulong sa mga katutubo na nangangailangan.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply