Mga senador hinimok ang PNP na imbestigahan ang nangyaring hostage-taking kay De Lima

Mga senador hinimok ang PNP na imbestigahan ang nangyaring hostage-taking kay De Lima

By Liza Soriano

MANILA — Hinimok ng mga mambabatas ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang tangkang pangho-hostage kay dating senador Leila De Lima.

Si Senador Risa Hontiveros, na bumisita kay De Lima pagkatapos ng insidente, ay kinondena ang pangyayari, na tinawag itong “hindi makatarungan, barbaric, at kasuklam-suklam.”

“We demand an explanation and a thorough investigation of this violent incident from the PNP and the Department of Justice. We need answers,” sabi ni Hontiveros.

“What lapses in security must be addressed, and most of all, who is responsible for these lapses? We strongly deplore this breach of duty,” dagdag pa niya.

Nanawagan din si Hontiveros para sa pagpapalaya kay De Lima.

“The violence against former Senator De Lima is only the latest act of injustice against her. Hindi sana nangyari ito kung sa simula pa lang, hindi na kinulong si Senator Leila dahil lang sa mga walang basehan na kaso,” ayon kay Hontiveros.

“Now more than ever, we call for the immediate release of former Senator Leila from her unjust detention and the dropping of the trumped-up charges against her,” dagdag pa niya.

Nanawagan naman si Senador Robinhood Padilla sa PNP dahil sa “diskriminasyon” na ipinakita ng mga arresting officers na tumugon sa insidente — na patuloy na kinikilala ang mga salarin bilang “Muslims.”

“Ako ay nananawagan sa Philippine National Police na magkaroon ng edukasyon sa paggamit ng salitang Muslim. Discrimination po ito kapag binibigkas ng pulis na ito ang salitang Muslim. Maging parehas po tayo ng trato sa bawat Pilipino,” ayon kay Padilla.(ai/mtvn)

Leave a Reply