Paunang 37 housing units ipinamahagi na ng NHA sa Malabon informal settlers katuwang si Mayor Jeannie Sandoval

Paunang 37 housing units ipinamahagi na ng NHA sa Malabon informal settlers katuwang si Mayor Jeannie Sandoval

Katuwang ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, ipinamahagi na ng National Housing Authority (NHA) ang paunang 37 housing units sa mga kwalipikadong residente ng Malabon sa St. Gregory Homes, Barangay Panghulo, Malabon City.

Sa mga susunod na araw, mahigit sa 200 pang bahay ang ipamamamahagi sa
informal settler families ng lungsod na naninirahan sa mga daluyan ng tubig sa lungsod na lubhang delikado kapag umuulan at malimit magbaha.

Sa kabuuan, ang St. Gregory Homes ay mayroong mahigit sa 1,300
housing units na nakalaan para sa mga taga-Malabon.

Dumalo rin sina Panghulo Bgy. Chairman Ian Borja at Cong. Ricky Sandoval
bilang saksi sa mahalagang aktibidad na ito sa buhay ng mga pamilyang
mapalad na mabiyayaan ng bahay ng pamahalaan.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply