De Lima dadalo sa pagdinig sa drug case ngayong Lunes

De Lima dadalo sa pagdinig sa drug case ngayong Lunes

By Liezelle Soriano

MANILA — Nakatakdang dumalo si dating senador Leila de Lima sa pagpapatuloy ng pagdinig ng mga kasong droga laban sa kanya ngayong Lunes, isang araw matapos siyang ma-hostage sa Custodial Center ng Philippine National Police (PNP).

Sa advisory na inilabas sa pamamagitan ng kanyang Twitter page noong Linggo, sinabi ni De Lima na dadalo siya sa pagdinig sa Branch 256 ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ngayong ala-1:30 ng hapon.

“Earlier today, De Lima was hostaged by detainees who attempted to escape from the PNP Custodial Center, Camp Crame,” ayon sa advisory.

“She was fortunately unharmed, but the alarming and shocking incident amplifies anew the call to free her from unjust detention,” dagdag pa nito.

Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na na-hostage si De Lima ng “tatlong persons under police custody (PUPC) na nagtangkang tumakas.”

Kinilala ang tatlong PUPC na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan, at Feliciano Sulayao Jr. Sulayao na tumakbo patungo sa custodial cell ni De Lima at kinuha ito bilang hostage.

Napatay ang tatlong suspects sa pagresponde ng mga pulis sa hostage-taking.

(ai/mtvn)

Leave a Reply