Promotion kay Pespes malamang na mapabilis dahil sa matagumpay na pagresponde sa De Lima hostage-taking

Promotion kay Pespes malamang na mapabilis dahil sa matagumpay na pagresponde sa De Lima hostage-taking

Ni Arwen Pascua

MANILA — Bagama’t under process na ang promotion kay Police Colonel Mark D. Pespes, ang acting director ng Philippine National Police Headquarters Support Service, inaasahang mapabibilis ang promosyon nito para maging One-Star General.

Ito ay sa kadahilanang si Pespes ay siyang nanguna sa pagliligtas kay dating Senador Leila De Lima mula sa tangkang hostage-taking ng tatlong high profile inmates o Persons Under PNP Custody (PUPC), kahapon ng umaga (Linggo, 09 Oct 2022) sa loob ng Camp Crame, Quezon City.

Bukod sa promosyon, mayroon ding reward na aasahan si Pespes at sa mga tauhan nito na agad rumesponde upang mapigilan pa ang mas malaking disgrasya sa loob ng PNP Custodial Center.

Namatay sa insidente ang tatlong PUPCs na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao, Jr.

Una munang nasaksak si Cpl Roger Agustin habang si Sulayao ang siyang tumakbo sa lugar kung saan nakadetine si De Lima.

Naging mabilis naman ang tower guard at napuntirya ang dalawa sa mga suspek.

Kabilang naman sa mga kaso ng tatlo ay murder, frustrated murder at kidnapping.

Samantala, sinabi ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. na mayroong appropriate reward na naghihintay kay Pespes at sa mga tauhan nito na mabilis na rumesponde at naingatan ang buhay ng senadora.

Kabilang sa inaasahang may reward si Agustin at PNPCOs Cpl. Matias at iba pang rumesponde dahil sa katapangan ng mga ito.

Kinumpirma naman ni Interior Secretary Benhur Abalos na asahan na ang star rank o 1 star general promotion kay Pespes.

Bagaman masaya sa narinig na balitang promotion, sinabi naman ni Pespes na bilang miyembro ng Special Action Force, na hindi solid ang tagumpay kung mayroong namatay.

Ito ay sa kadahilanang sa SAF ang kanilang mantra ay Tagapaligtas.

“Sa part naman namin bilang galing sa SAF, walang magandang accomplishments kapat may namatay, sa ating hostage, so, very fortunate, na ‘yun nga hindi napahamak ‘yung ating senador” ani Pespes. (ai/mtvn)

Leave a Reply