BHWs ng Navotas naglunsad ng mental health seminar para sa malusog na kaisipan

BHWs ng Navotas naglunsad ng mental health seminar para sa malusog na kaisipan

NAGSAGAWA ng pagtuturo sa lahat ng barangay health workers (BHWs) sa lungsod Navotas sa kung paano mapananatili ang malusog na kaisipan sa pamamagitan ng mental heath seminar.

Binigyang-diin ng mga health worker ang importansya ng pakikipag-usap sa iba, lalo na sa mental health experts, kung may nararamdamang stress, pagkabalisa, depresyon, at iba pa.

Nanawagan ang pamahalaang lungsod sa mga nangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan lamang at tumawag sa kanila sa sumusunod na numero: 1553 nationwide landline toll-free, mobile GLOBE/TM subscribers 0966-351-4518, at 0917-899-8726. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply