‘Elevated parking lot sa EDSA’

‘Elevated parking lot sa EDSA’

Nagmistulang elevated parking lot ang bahaging ito ng South-bound EDSA flyover sa may Timog Avenue, Quezon City kahapon ng umaga (Lunes, 10 Oct 2022) dahil halos walang galawan maging ang motorcycle rider ay hindi rin makalusot.

Wala namang naging aberya sa kalsada maliban lang sa mga papasok ng EDSA sa bahaging Cubao ilalim dahil sa dami ng sasakyan at rush hour sa umaga noong araw ng Lunes.

Ang trapik sa EDSA ay matagal nang kinakaharap ng mga motorista araw-araw at maging ang mga motorcycle rider pero kahit papaano ay naiibsan naman paglipas ng rush hour. (Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply