Operasyon kontra ‘motmot’ na maiingay ang tambutso, walang lisensiya inilunsad sa Maynila

Operasyon kontra ‘motmot’ na maiingay ang tambutso, walang lisensiya inilunsad sa Maynila

Pinangunahan ni Manila Police District Raxabago Police Station 1 Station Commander PLTCol. Rosalino Ibay Jr ang operasyon ng One Time Big Time Operation (OTBT) kasama ang Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) upang ipatupad ng City Ordinance No. 8772.

Ito ang reglamento na nagbabawal sa paggamit ng Modified Muffler/Exhaust Pipe ng mga motor o “motmot” na maiingay sa daan at mga walang lisensiya at rehistro ngunit patuloy na bumibiyahe sa mga lansangan ng Maynila.

Inilabas ang naturang City Ordinance dahil na rin sa reklamo ng ilang mga residente sa mga motor na maiingay ang tambutso na bumabagtas sa kanilang mga lugar.
(Kiara lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply