PAO pinahahalagahan ng bagong administrasyon —Acosta

PAO pinahahalagahan ng bagong administrasyon —Acosta

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ni Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta na pinahahalagahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Public Attorney’s Office (PAO).

“This year, we feel that all the efforts of our public attorneys and the whole agency of PAO are being appreciated by the new administration of H.E. President BBM,” ayon kay Acosta sa pagbubukas ng kumbensyon ng Mandatory Continuing Legal Education (MCLE).

Ito ang unang pambansang kumbensyon ng mga abogado ng PAO sa loob ng dalawang taon magmula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.

Samantala, pinuri ni Acosta ang pagsisikap ng mahigit 2,000 pampublikong tagapagtanggol sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ahensiya ngayong Oktubre.

“Notably during the height of the pandemic, without them (PAO lawyers), it would be impossible to serve 6,687,630 clients in 2020 and 9,707,274 clients in 2021,” aniya.

Sinabi niya na kinatawan ng mga abogado ng PAO ang mga kliyente sa 752,196 na kaso noong 2020 at 787,174 noong 2021 na may mataas na rate ng positibong disposisyon ng mga kaso.

“Now evidently, the PBBM administration reaches out with compassion to the PDLs (persons deprived of liberty). Hence I am hopeful that before the year 2022 ends many of them will be freed and will be prepared fully for rehabilitation and reintegration,” ani Acosta. (ai/mtvn)

Leave a Reply