Babala: ‘Delikado ang ganitong sitwasyon sa pagmo-motor’

Babala: ‘Delikado ang ganitong sitwasyon sa pagmo-motor’

TILA walang takot ang mga motorcycle riders na ito na nakuha pang tumabi sa dambuhalang flatbed truck sa kahabaan ng Mac-Arthur Highway lungsod Valenzuela. May dead spots kasi ang mga truck o bus lalo na kapag nakatabi ang isang motorista sa kanila dahil hindi sila hagip ng side mirror lalo na kapag malapit sila sa may bintana ng truck.

Delikado ito lalo na kung liliko ang bus o ang truck na kasabay ang motorista na pwedeng masagi o pumailalim sa naglalakihang gulong ng dambuhalang truck.

Napitikan ng roving photog ng Maharlika TV News ang magka-angkas na motorista na naririto sa Mc-Arthur Highway sa Malinta, Valenzuela nitong Miyerkules na nakikipag-unahan pa sa pag-arangkada sa truck nang mag-go ang traffic light.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply