Bagong elevator para sa mga PWD, si Mayor Ruffy Biazon ang mismong tumesting

Bagong elevator para sa mga PWD, si Mayor Ruffy Biazon ang mismong tumesting

Mismong si Mayor Ruffy Biazon ang unang gumamit ng elevator para alamin nang personal ang ginhawang dulot nito sa mga may kapansanan o PWDs (Person with Disabilities) na lumalapit o sumasadya sa munisipyo. Pinasadya ang elevator na ito na kung tawagin ay PWD Lifter para hindi na mahirapan ang mga may kapansanan kapag napapadalaw sila sa munisipyo o humihingi ng tulong.

Ang alkalde na dating kongresista ay malapit sa may kapansanan, sa mga senior at mga estudyante kaya pinag-isa na lamang n’ya ang tanggapan na tutugon sa kanilang hinihinging tulong tulad ng burial, educational, hospital care card, at request na tinawag n’yang “Kalingang Munti, Action Center Mabilis na Serbisyo.”

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply