P194.6-B ’23 DSWD budget aprubado na

P194.6-B ’23 DSWD budget aprubado na

By Liza Soriano
MANILA — Inaprubahan ng Senate finance subcommittee ang P194.6 billion na panukalang budget para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa susunod na taon.

Sa idinaos na halos apat na oras na budget hearing, nagpasya si Senator Imee Marcos na i-transmit na ang DSWD budget para sa plenary debates.

Sa nasabing pagdinig, tiniyak ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na ang pondo ng ahensya para sa 2023 ay gagamitin para sa pagtulong sa mga mahihirap, marginalized, at disadvantaged sectors.

Malaking bahagi ng pondo ng DSWD sa susunod na taon ay ilalaan sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, Social Pension for Indigent Senior Citizens, at sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances. (ai/mtvn)

Leave a Reply