‘Tatlong Maria’ na mga suspek sa pandurukot sa Quiapo tiklo!

‘Tatlong Maria’ na mga suspek sa pandurukot sa Quiapo tiklo!

MANILA — Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang “Tatlong Maria” na mga suspek sa pandurukot matapos na makahingi ng tulong ang kanilang biniktima kahapon ng umaga sa may Liwasang Bonifacio Monument sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Nasa kustodiya na ng SMaRT ang mga suspek na sina Rose Ann Angeles, 22 ; Annabell Bastigue,37; at Analyn Enorio,32 at pawang nakatira sa 24 Oscaris St. Quiapo,Maynila.

Ang mga suspek ay inireklamo ng kanilang biniktima na si Rowena Musa (25), saleslady at nakatiran naman sa 1151 Vergata St.Quiapo, Maynila.

Sa reklamo ng biktima,naglalakad umano siya ng lansihin siya ng tatlong babae sa nabanggit na lugar dakong alas-7:45 ng umaga.

Huli na nang mapansin ng biktima na nadukot na ang kanyang cellphone na Samsung Galaxy A71 na nagkakahalaga diumano ng P22,990.

Kaagad naman nagsisigaw ang biktima ng “mandurukot! mandurukot!” na sa kabutihang-palad ay nakatawag ng pansin sa mga nagpapatrolyang kapulisan na sina PCpl Peter Joe Cruz , PCpl Emerson Visperas, at Pat Ron Marc Jimenez, na humabol sa mga suspek.

Nabawi naman agad ng kapulisan sa mga suspek ang cellphone ng biktima.

Sinampahan na ng kasong theft (pick-pocket), ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office habang sinusulat ito kahapon (Miyerkules). (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply