Agarang pagwasak sa 990-kilo na nakumpiskang shabu hiniling ng PNP sa korte

Agarang pagwasak sa 990-kilo na nakumpiskang shabu hiniling ng PNP sa korte

Ni Arwen Pascua

Global Daily Mirror photo courtesy

MANILA — Humingi na ng tulong sa local court si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo S. Azurin Jr. na wasakin na ang 990 kilos ng shabu na nakumpiska sa anti-illegal drug operations na pinangunahan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Maynila kamakailan.

Sa nasabing operasyon, isang miyembro mismo ng PDEG ang sinasabing sangkot habang nagkakahalaga naman ng P6.7 billion ang nasakoteng iligal na droga.

Sinabi ni Azurin na kanilang hihilingin ang permiso ng korte para sa maisagawa agad ang pagwasak ng nakumpiskang droga makaraang masuri o isailalim sa laboratory examination and technical inventory ng Philippine Drug Enforcement Agency at Dangerous Drug Board.

Samantala, ang naarestong intelligence officer ng PDEG ay nagpahiwatig ng kooperasyon sa kaniyang mga kabaro hinggil sa nalalaman sa kalakalan ng droga. (ai/mtvn)

Leave a Reply