Lungsod ng Muntinlupa, OWWA lumagda ng MOA para sa pagbuo ng OFW Help Desk

Lungsod ng Muntinlupa, OWWA lumagda ng MOA para sa pagbuo ng OFW Help Desk

Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagbuo ng OFW Help Desk sa pagitan ng OWWA at ng Muntinlupa City sina Mayor Ruffy Biazon, OWWA Sec. Arnaldo A. Ignacio kasama sina Public Employment Service Office Head Glenda Zamora, Chairman Committee on Labor of Employment Councilor Cornelio Martinez, Deputy Administrator for Operations Mary Melanie H. Quinoa at OWWA NCR Dir. Dr. Teresa B.Capa hapon ng Huwebes (13 Oct 2022) sa munisipyo ng Muntinlupa.

Ang signing ceremony ay pagpapatibay ng lungsod at ng ahensya sa pagtutulungan ng pagbibigay kalidad at agarang tulong sa mga OFW lalo na sa lungsod ng Muntinlupa City. May ilang OFW na agad nang nakatanggap ng ayuda mula sa OWWA matapos ang signing ceremony. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply