Maranan, bagong PNP information chief

Maranan, bagong PNP information chief

Ni Arwen Pascua

MANILA — Itinalaga bilang director ng Police Regional Office 7 o Central Visayas si Philippine National Police Public Information Office chief PBrig. Gen. Roderick Augustus Alba.

At dahil nabakante ang puwesto, itinalaga ni PNP chief Gen. Rodolfo S. Azurin Jr. bilang kapalit si PCol. Redrico A. Maranan bilang acting capacity.

Bago iwan ni Alba ang Camp Crame patungong Central Visayas ay nagpasalamat ito sa PNP Press Corps sa mahigit isang taong koordinasyon.

Samantala, bago italaga sa PIO si Maranan, siya ay nagsilbing provincial director ng Pangasinan, Group Director ng Intelligence Training Group, naging hepe ng Bacoor at Imus sa Cavite; Intel Officer sa Cavifre, Chief of Staff ng PNP Drug Enforcement Group, hepe ng District Directior Staff at Deputy District Director for Operations sa Quezon City Police District.

Si Maranan ay miyembro ng PNP Academy Class 1995 at tumanggap na ng mahigit 100 PNP medals kasama na ang PNP Heroism Medal and PNP Distinguished Service Medal, Hall of Fame awardee ng PNPA Alumni Association at iba.

Nagtapos bilang Cum Laude at pinarangalan bilang Best in Oral Revalida in Masters in Business Administration sa Wesleyan University at nakaka-impress na tagumpay sa kanyang edukasyon.

Leave a Reply