PBBM tinututukan ang isyu sa POGO

PBBM tinututukan ang isyu sa POGO

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Mahigpit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa.

Inaasahan din ng pulisya na aaksyunan ang mga hindi inaasahang insidente na kinasasangkutan ng mga operasyon nito, ayon kay Office of the Press Secretary at Officer-in-Charge Undersecretary Cheloy Garafil.

Tinanong si Garafil kung may direktiba mula kay Marcos hinggil sa industriya ng POGO.

“Of course, the President is closely monitoring this. And as far as the President is concerned, ang PNP po ang in-charge dito sa usapin na ito,” ani Garafil.

Ikinatuwa rin ng opisyal ng Palasyo ang paglilinaw ng Chinese Embassy na hindi blacklisted ang Pilipinas bilang destinasyon ng mga Chinese tourist.

Ayon sa embahada, ang ulat ng tourist blacklist ay maling impormasyon.

“Nakita na natin iyong paglilinaw nga ng Chinese Embassy, at nag-post na rin sila ng official statement nila sa kanilang social media accounts. And we share the sentiment of the Chinese Embassy in the Philippines that tourism is an important facet to our relationship,” ani Garafil.

“And we look forward to continuing with that relationship as we continuously welcome our friends from China, and we anticipate more of them to come in the months and years ahead,” dagdag pa niya.

Nakikita ng administrasyong Marcos ang industriya ng turismo bilang isang makabuluhang kita ng bansa sa muling pagbubukas nito kasunod ng mga paghihigpit dahil sa coronavirus pandemic. (ai/mtvn)

Leave a Reply