Kapulisan, Camanava media corps nagsagawa ng masusing dayalogo

Kapulisan, Camanava media corps nagsagawa ng masusing dayalogo

NAGSAGAWA ng masusing dayalogo sa pagitan ng kapulisan ng Valenzuela City sa pamumuno ni Valenzuela City Police Station officer-in-charge PCol. Salvador S. Destura Jr. at ng mga mamamahayag na komokober ng Camanava (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) beat nitong Biyernes (14 Oct 2022).

Nagkakumustahan sa naturang dayalogo ang dalawang panig at napag-usapan kung may banta sa kanilang mga buhay o panganib dahil sa kanilang ginagampanang trabaho.

Kaugnay ito ng pagkakapaslang kamakailan sa beteranong reporter na si Percy Lapid ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin ngunit isa umano sa mga motibo ay may kinalaman sa kanyang trabaho, ayon sa pulisya.

Nakiusap si PCol. Destura Jr. sa mga mamamahayag na sakaling may death threats o banta sa kanilang buhay ay ‘wag mag-atubiling lumapit o pumunta sa kanyang tanggapan upang mabigyan sila ng proteksyon at agarang maimbestigahan para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag at mahal nila sa buhay.
(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply