Marcos: Garafil itinalaga bilang OPS-OIC dahil nasa transition phase pa

Marcos: Garafil itinalaga bilang OPS-OIC dahil nasa transition phase pa

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Cheloy Garafil bilang press officer-in-charge hanggang nagpapatuloy ang rightsizing policy ng pamahalaan.

Ayon kay Marcos, inalok si Garafil bilang OIC at hindi sa secretary post dahil nasa transition pa.

“We talk about rightsizing all the time. We are rightsizing everything, everywhere all the time and this is part of that,” sagot ni Marcos nang tanungin kung may anunsiyo ang opisina niya ukol sa mga bagong appointment.

“So, that’s the reason that I said we are still in transition. But magso-solidify na ‘yang mga position na iyan,” sinabi pa ni Marcos.

Ang appointment ni Garafil ay kasunod ng pagbibitiw ni dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa health reasons.

Ilang linggo bago ito, nagbitiw rin si Atty. Vic Rodriguez sa kanyang puwesto para tumutok sa kanyang pamilya.

Itinalaga bilang kahalili ni Rodriguez si dating Chief Justice Lucas Bersamin. (ai/mtvn)

Leave a Reply