Marcos, hindi makikialam sa drug case ni De Lima

Marcos, hindi makikialam sa drug case ni De Lima

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbongl Marcos, Jr. na hindi siya makikialam sa kaso ng nakakulong na dating Senador na si Leila De Lima matapos ang isang hostage crisis na nagresulta sa muling panawagan para sa kanyang agarang pagpapalaya.

Naunang sinabi ni De Lima na bagama’t hindi niya hihilingin kay Marcos na makialam sa mga korte, maaari niyang ipag-utos sa DOJ na ihinto ang pagharang sa testimonya ng isang umaatras na saksi sa pag-uusig.

“I think urging prosecutors to do one thing or another is interfering,” ayon kay Marcos.

“I have said we are very, very clear that we have three (3) departments of government at siguro naman hindi natin dapat — pabayaan natin, hindi naman natin dapat pinagdududahan ang process eh. I think the process is there, we are continuing to monitor what is going on,” dagdag pa niya.

Na-hostage si De Lima ng tatlong nakakulong na miyembro ng Abu Sayyaf na nagtangkang lumabas ng Camp Crame noong Linggo.

Sinabi ni Marcos na nakausap niya si De Lima pagkatapos ng insidente at nag-alok na ilipat siya sa isa pang detention facility kung sa tingin niya ay hindi siya ligtas.

“Sabi naman niya, hindi naman siguro kailangan. She never asked me to do anything,” aniya ng Pangulo. (ai/mtvn)

Leave a Reply