Paglilinis sa mga sementeryo nagsimula na bilang paghahanda sa Undas

Paglilinis sa mga sementeryo nagsimula na bilang paghahanda sa Undas

Nilinis na’t inalis ng mga tauhan mula sa Valenzuela Clean and Green Division ang mga putik, tuyong dahon at ibat-ibang basura na nakatambak sa loob ng Karuhatan Cemetery bilang paghahanda sa nalalapit na Undas.

Bukod sa Karuhatan Cemetery ay mag-iikot pa sa ibat-ibang sementeryo ang mga naghahakot ng basura upang matiyak na malinis ang paligid dahil tiyak na dadagsain ito ng mga dadalaw sa mga puntod ng kani-kanilang mga mahal sa buhay matapos ipagbawal ito dahil sa Covid pandemic.

Maliban sa Karuhatan, ang iba pang mga sementeryo sa Kalakahang Maynila ay nagsimula na rin ng paglilinis.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply