Telcos inatasan ng NTC na tiyaking handa ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Maymay

Telcos inatasan ng NTC na tiyaking handa ang mga tauhan at kagamitan sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Maymay

Ni Arwen Pascua

Telecoms Tech News photo courtesy

MANILA — Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na tiyakin na handa sa pinsalang maaaring idinulot ng bagyong Maymay.

Bagaman humina at naging isang Low Pressure Area na lamang ito, maaari pa rin diumano makapagdulot ng pagbaha ang nasabing bagyo sa ilang mga lugar sa Luzon partikular sa Cagayan Valley.

Bago naging LPA ang bagyo, ito ay nagdulot ng malakas na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao.

Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, iniutos nito ang pagtitiyak na mayroong sapat na bilang ng technical at support personnel, standby generators na may extra fuel, at iba pang gamit sa mga lugar na daraanan ng bagyo.

Iniutos din ni Cordoba na madaliin ang repair at restoration ng telecommunication services kung mayroong naapektuhan ng bagyo sa sa komunikasyon ng mga residente at mga kaanak.

Kasabay nito ay inatasan din ang mga network companies na magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga naapektuhang lugar. (ai/mtvn)

Leave a Reply