Marcos tiniyak ang suporta kay EJ Obiena

Marcos tiniyak ang suporta kay EJ Obiena

Ni Liezelle Soriano

PBBM and Olympian Pinoy pole vaulter EJ Obiena (right)

MANILA — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Biyernes sa sikat na national pole vaulter na si EJ Obiena na magbibigay ang gobyerno ng anumang tulong na maaaring kailanganin niya sa paghahanda para sa susunod na Olympics sa Paris, France.

Ito ang sinabi Marcos nang mag-courtesy call si Obiena sa Palasyo nitong Biyernes.

Ayon pa sa Pangulo, ang multi-awarded na pole vaulter ay pride ng Sambayanang Pilipino.

“From your President and I think from the rest of the Philippines ay kami’y nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawa, sa dangal na dinala mo sa iyong bansa,” wika ni Marcos.

“We look forward to the Games in Paris. I hope you do well. If there is anything we can do to help you na maging mas maganda ang inyong resulta at mas maganda ang maging training, lahat ng ano, sabihin ninyo sa akin dahil napakahalaga ng iyong ginagawa,” dagdag pa niya.

Nakatakdang lumaban si Obiena sa Olympic Games sa Paris, France sa 2024. (ai/mtvn)

Leave a Reply