‘Pagsabit sa jeepney na bawal, naging normal nang kalakaran’

‘Pagsabit sa jeepney na bawal, naging normal nang kalakaran’

Parang naging normal na lamang na kalakaran ang bawal na pagsabit sa mga pampasaherong jeep saan mang sulok ng Pilipinas kagaya nitong napitikan ng lensman ng Maharlika TV News sa kahabaan ng East Service Road Taguig City nitong Linggo (16 Oct 2022).

Naging normal na ito kahit bawal dahil wala man lamang sumisita ni isang traffic enforcer sa tatlong pampasaherong jeep na naispatan na may mga nakasabit sa likod ng pampasadang jeepney at mga babae pa!

Lubhang mapanganib ang sumabit sa likod ng jeepney dahil isang pagkalingat lamang ng nakasabit — babae man o lalaki — ay maaaring hindi na maulit muli.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply