Sari-saring ayuda iginawad sa mga biktima ng sunog sa Malabon

Sari-saring ayuda iginawad sa mga biktima ng sunog sa Malabon

Agad na nagtungo at nagbigay ng tulong si Malabon Mayor Jeannie
Sandoval sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na sunog sa Barangay
Tonsuya, kung saan ay nagbigay ang alkalde ng food packs, bttled water, banig, mga hygiene kit, at portable tent para sa pansamantalang matutulugan ng mga biktima ng sunog.

Nangako naman si Mayor Sandoval sa mahigit 100 pamilya na naapektuhan
ng sunog ng agarang tulong upang mabilis na makaahon sa kanilang pinagdaanang trahedya.

Nagsimula ang sunog dakong ala-1:45 ng madaling araw ng Linggo (Oktubre 16, 2022) sa Block 1 Damata St., Barangay Tonsuya, Malabon City ngunit sa kabutihang palad ay wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog batay sa inilabas na pahayag ng Bureau of Fire Protection. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply