Pasko sa Muntinupa, tuloy na tuloy na

Pasko sa Muntinupa, tuloy na tuloy na

Wala nang makakapigil pa at tuloy na tuloy na ang Pasko sa Muntinlupa at dahil dito abalang-abala na sa pagsasaayos at pagtatayo ang mga manggagawang ito ng higanteng Christmas tree na malapit sa City Hall ngayong araw, Lunes (October 17, 2022).

Dahil dito, tila ramdam na ng mga empleyado ng munisipyo ang diwa ng Pasko pati na ang mga motoristang nagdaraan at nasisilayan ang itinatayong Christmas tree, na masasabing kauna-unahan matapos ang mahigit dalawang taong pandemya na nagpahinto sa tradisyong ito sa buong mundo.

Kaya naman ang mga napapasyal sa munisipyo ay napapalingon at ang mga empleyado naman ay excited sa darating na Pasko. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply