‘Likhang-Munti’ eco-friendly grocer sa city hall bukas na

‘Likhang-Munti’ eco-friendly grocer sa city hall bukas na

Bukas na at marami na ang mga mamimili at pumapasyal para makita ang mga paninda sa “Likhang-Munti” Eco Grocer sa City Hall ng Muntinlupa dahil sa kakaibang eco-friendly approach nito sa mga parokayno.

Dito hinihikayat ang mga mamimili na maging makakalikasan sa pagtangkilik ng mga paninda at pagsunod sa proseso na walang gagamiting anomang plastik sa mga bibilhin. Isang paraan nito ay ang kanilang refill-selling ng shampoo, soap at alcohol na kailangan magbitbit ng buyer ng botelyang lalagyan nila kapag bibili.

Bukod dito, ang lahat ng paninda ay mula sa mga baguhang entrepreneurs na binigyang-tulong at suporta ng pamahalaang lungsod. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply