Malabon nagsagawa ng libreng medical check-up sa mga biktima ng sunog

Malabon nagsagawa ng libreng medical check-up sa mga biktima ng sunog

Nagsagawa ng libreng medical check-up ang Malabon City Health
Department para sa mga biktima ng sunog sa Barangay Tonsuya kung saan umabot sa halos 90 na indibidwal ang nagpapakonsulta.

Maliban pa riyan, nakatanggap din sila ng mga libreng gamot at vitamins.

Sa opisyal na talaan ng Pamahalaang Lungsod, nasa 102 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng sunog at 380 na indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa Tonsuya Covered Court evacuation center bilang pansamantala nilang tuluyan.
(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply