SOJ Remulla walang planong magbitiw sa kabila ng isyu sa kanyang anak!

SOJ Remulla walang planong magbitiw sa kabila ng isyu sa kanyang anak!

SOJ Boying Remulla (Yahoo News courtesy)

MANILA — Hindi magbibitiw sa kanyang pwesto bilang kalihim ng Department of Justice si Secretary Boying Remulla sa kabilang ng pagkakasangkot ng kanyang anak na lalaki sa droga.

Kabi-kabila ngayon ang mga panawagan ng iba’t-ibangsektor ng lipunan na magbitiw bilang kalihim dahil anila, sa ayaw at sa gusto ng hepe ng DOJ ay makaapekto ang kanyang posisyon sa kasong kinakaharap ng kanyang anak na nahulihan ng high grade marijuana na tinatawag na “Kush.”

Ngunit sa halip, bumuwelta pa ito at sinabi ni Remulla na tanging ang Pangulong Marcos lamang ang makakapagsabi kung kinakailangan na niyang bumaba sa kanyang posisyon.

Idinagdag pa ni Remulla na sa oras na dumating ang panahon na alam niyang hindi na siya epektibo sa kanyang pwesto ay agad siyang makikipag ugnayan sa Pangulo hinggil dito at malamang na magbitiw na siya dagdag pa niya.

Matatandaan na umani ng samu’t-saring batikos si Remulla mula sa publiko at ang iba nga ay nanawagan pa na bumababa ito sa pwesto bilang delicadeza.

Gayunpaman, dumistansya rin si Remulla sa usapin na nakakatanggap ng espesyal na pag trato ang kanyang anak na si Juanito Jose Remulla III sa kulungan.

Pero sa kabila nito ay sinabi ng kalihim na simula’t-simula pa lamang ay dumistansya na siya sa kaso ng kanyang anak.

Wala rin aniya siyang kinausap na sino man o hinigan ng pabor hinggil sa kaso.

Dagdag pa ni Remulla na nagkausap na rin sila ng Pangulo at naiintindihan nito ang kanyang sitwasyon bilang isang magulang subalit ang payo aniya ng Pangulo ay “balik trabaho na.”

(Benjie Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply