Muntinlupa court pinayagan si Ragos na bawiin ang testimonya laban kay De Lima

Muntinlupa court pinayagan si Ragos na bawiin ang testimonya laban kay De Lima

By Liza Soriano

Photo courtesy of Remate

MANILA — Pinayagan ng korte ng Muntinlupa si dating Bureau of Corrections chief Rafael Ragos na magpatuloy sa kanyang testimonya na binawi ang kanyang mga alegasyon laban sa nakakulong na dating Senador Leila de Lima.

Noong Setyembre, bigo si Ragos na tumestigo sa nasabing korte matapos na tutulan ng prosekusyon ang kanyang pagharap sa witness stand.

Nauna na silang naghain ng motion for reconsideration ng naunang utos na nagpapahintulot kay Ragos na tumestigo.

Sa kanyang utos, sinabi ni Judge Abraham Joseph Alcantara ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na dapat tukuyin ng korte kung aling testimonya ang dapat bigyan ng kredensiya sa pamamagitan ng paghahambing ng orihinal na testimonya at ng bagong testimonya.

“The interests of justice would best be served if the supposed recantation of Mr. Ragos is tested in a public trial with a sufficient opportunity given to the prosecution to cross-examine the recanting witness,” ayon sa korte. (ai/mtvn)

Leave a Reply