NCRPO IPINAKALAT NA ANG WANTED POSTER VS 3 ‘KILLERS’ NI PERCY

NCRPO IPINAKALAT NA ANG WANTED POSTER VS 3 ‘KILLERS’ NI PERCY

Ni Arwen Pascua

MANILA — Inilabas na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), sa pamumuno ni Regional Director, PBGen. Jonnel Estomo ang wanted poster laban sa tatlo pang katao na may kinalaman sa pagpaslang kay veteran broadcaster Percy Lapid.

Ang paglalabas ng poster ay isinagawa upang mapabilis ang paghahanap sa tatlo kung saan may alok na P6.5 milyon para sa impormasyon upang madakip ang mga ito.

Sa nasabing poster, nakalagay ang larawan ng tatlo kasama ang kanilang pangalan.

Ang isa sa mga ito na pinangalanan ng unang sumuko na si Joel Salve Escorial na si alyas Orly ang siyang nagmaneho umano ng motorsiklo at ito rin ang nasapul ng closed-circuit television na hawak ng Las Pinas City Police.

Ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa tatlong nasa larawan ay maaaring tumawag sa 09985987928 at 88027925 o 85258403.

Si Lapid, na may tunay na pangalan na Percival Mabasa, ay pinatay noong Lunes (Oktubre 3) ng gabi sa nasabing lungsod. (ai/mtvn)

Leave a Reply