P12-M na haaga ng marijuana timbog sa Caloocan buy-bust

P12-M na haaga ng marijuana timbog sa Caloocan buy-bust

TIMBOG sa mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang suspek na sina John Kenneth Herna (30), ng No. 246 Walingwaling Street, Pangarap Village, Barangay 181 Caloocan City, at Grant Gallano (24)ng No. 15 Guyabano St., Pangarap Village, Brgy. 182, Caloocan City matapos makunan ng pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng Marijuana na aabot sa 100 kilos at nagkakahalaga ng P12,000,000 sa ikinasang buy-bust operation.

Naganap ito sa parking lot ng isang fast food chain sa Brgy. 8, Caloocan City.

Nahaharap ngayon ang dalawang suspect sa mga kasong Violations of Section 5 (Sale of prohibited drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) of Article II of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002).

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply