Romualdez pinuri ang DILG sa pagkahuli ng suspek sa pagpatay kay Percy Lapid

Romualdez pinuri ang DILG sa pagkahuli ng suspek sa pagpatay kay Percy Lapid

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga alagad ng batas matapos ang matagumpay na pag-kaaresto at pagsuko ng hinihinalang gunman sa likod ng pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid.

“We in the House of Representatives welcome this positive development in the unfortunate crime that took the life of Percy Lapid. We applaud the efforts of SILG Abalos and the police to swiftly resolve the case,” ayon kay Romualdez.

“And the arrest of a suspect in the shooting of Lapid is indeed a welcome development. We hope that this arrest leads to the apprehension of the other suspects in the gruesome murder of Lapid and the resolution of the case.”

Ang tinutukoy ng House speaker ay si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., na namuno sa isang news conference ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Sa conference kung saan iniharap ang suspek, kinumpirma ni Abalos na sumuko sa PNP ang 39-anyos na suspek na na si Joel Escorial.

Pinangalanan ni Escorial ang tatlong iba pang sangkot sa pagpatay kay Lapid, Percival Mabasa sa totoong buhay, noong Oktubre 3 sa labas mismo ng gate ng subdivision ng Las Piñas na tinitirhan nito.

(ai/mtvn)

Leave a Reply