Marcos hinimok ang LGUs na gumawa ng programa para sa imprastraktura

Marcos hinimok ang LGUs na gumawa ng programa para sa imprastraktura

Ni Liezelle Soriano

Si Pangulong Marcos (Kortesiya ng Office of the Press Secretary) 

MANILA — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang local government units (LGUs) at ang mga mamamayang Pilipino na ituloy ang mga programang magpapahusay sa imprastraktura ng bansa at magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa mga Pilipino.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa San Juanico Bridge Lighting Activity.

Ang San Juanico Bridge ay ginawa noong panahon ni Presidente Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng Japanese Official Development Assistance loans.

Ito ay may habang 2.16 kilometers (1.34 mi), pumapangalawa lamang sa Cebu-Cordova Bridge sa mga tulay ng bansa na tumatawid sa isang katubigan.

“It is my earnest desire that this event will encourage the local governments of Samar and Leyte, its people, as well as every Filipino, to pursue programs that will not only result to significant enhancements to our infrastructure, but will also pave the way for long-lasting impacts in the lives of our fellow Filipinos,” ayon kay Marcos.

“I look forward to the economic opportunities that will be stimulated by this, as well as other Spark Samar initiatives, in the near future. I eagerly anticipate the assistance it will bring for the complete recovery of the tourism industry in the Eastern Visayas and nearby areas,” dagdag pa niya.

Tiniyak naman ni Marcos na susuportahan ng kanyang administrasyon ang ganitong mga proyekto.

“Rest assured that this Administration will stay the course to provide whatever you need to enhance, preserve, and showcase the best that you have to offer,” ayon sa Pangulo.

(ai/mtvn)

Leave a Reply