Mga lumagda ng kontrata sa ‘TUPAD na pangarap’ sa Navotas umabot sa 800

Mga lumagda ng kontrata sa ‘TUPAD na pangarap’ sa Navotas umabot sa 800

Ang bilang ng mga mamamayan ng Navotas na nangangarap magkatrabaho sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers o TUPAD ay umabot sa 800 nitong Huwebes (20 Oct 2022).

Sila ay agarang sumailalim sa orientation at pumirma ng kanilang kontrata. Kabilang sa batch na ito ang mga solo parents, senior citizens, at magulang ng mga mag-aaral ng Navotas Polytechnic College.

Sila ay nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay sa loob ng 10 araw. Ito ay programa ng Department of Labor and Employment-DOLE-CAMANAVA katuwang ang NavotaAs Hanapbuhay Center.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply