‘Move It, Move Out!’

‘Move It, Move Out!’

Suspendihin muna ang accreditation ng Move It habang may imbestigasyon.

Dininig ni Cong. Joel Chua ng Maynila, na kasalukuyang myembro ng House Transportation Committee at Vice Chairman ng Metro Manila Development Committee, ang inihain ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) at ilan pang grupo na panukalang maimbestigahan ng Kongreso ang acquisition ng Grab sa Move It na isa sa tatlong accredited companies sa pilot test ng motorcycle-for-hire.

Nangako si Cong. Chua na maghahain siya ng resolusyon sa Kongreso upang maimbestigahan ang backdoor entrance deal na ito. Mukha kasing hindi natitinag ang Move It at habang hindi pa nagko-convene ang bagong TWG (technical working group) ng pilot test ng motorcycle taxi, ay Kongreso ang ating inaasahan na sisilip sa acquisition deal.

Hindi lang ang Grab-Move It deal ang nais imbestigahan ni Cong. Joel kundi pati na din ang mga ilang sumbong ng mga TNVS drivers at delivery riders ng Grab.

Nais ni Cong. na halukayin ang diumano ay napakataas na pamasahe sa Grab dulot ng tinatawag na “surge.” Ibig sabihin nito lumaki na ang issue at hindi lang tungkol sa acquisition ng Move It.

Sa ngayon ay tila selyado na ang Grab-Move It deal pero ang tanong –papayagan ba ng Kongreso o ng TWG na manatili ang Move It bilang accredited pa rin sa pilot test?

Para sa LCSP habang may imbestigasyon ay isuspinde muna ang accreditation ng Move It.

Hindi pwedeng tuluy-tuloy sila sa byahe habang may imbestigasyon. Move It should Move Out of the pilot test kung igigiit nila ang acquisition.

Ito ang hihilingin ng LCSP sa Kongreso at sa TWG.

Maaring makapanayam si Atty. Ariel Inton, President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Mobile No 09178174748.

(ai/mtvn)

Leave a Reply