P3.4-M halaga ng shabu timbog sa Valenzuela City

P3.4-M halaga ng shabu timbog sa Valenzuela City

Mistulang maaamong tupa’t todo-yuko nang maaresto ang mga suspect na sina Marlon Padilla Manalos (43) at Alexander Policarpio Tuazon (41) sa pinagsanib pwersang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 4A-Batangas PO, PDEA 4A Regional Special Action Team (RSET 1 and RSET 2), PDEA-NCRO North District, at Philippine National Police-Valenzuela kahapon sa
4009 Parking Area, Go Gen. T Central Building, Barangay General Tiburcio, Valenzuela City.

Nakuha sa mga suspect ang hinihinalang 500 gramo ng shabu (kalahating kilo) na nagkakahalaga sa merkado ng P3,450,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5, 26 Paragraph B, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Drugs Act) ang mga suspek.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply