Tauhan ng Grace Park Parish abala na sa paggawa ng mga parol

Tauhan ng Grace Park Parish abala na sa paggawa ng mga parol

Abala na sa paggawa ng makukulay na parol ang mga tauhan mula sa Grace
Park Parish sa Caloocan City na gawa sa kawayan na ihuhulma sa iba’t ibang disenyo bago balutan ng makulay na plastic upang maibenta.

Ang parol ay isang tradisyunal na kagamitang pang-ilaw sa mga tahanang
Tsino noong bago pa magkaroon ng koryente. Katulad sa Pilipinas, ito
ay simbolo ng pestibidad, mabuting hangarin, at pagpapahayag ng
pag-asa para sa masaganang kinabukasan.

Noong panahon ng mga Kastila, ang parol ay ginamit ng mga ninunong
Pilipino bilang ilaw sa kanilang pagpunta sa simbahan para sa siyam na
araw na Simbang Gabi o Misa de Aguinaldo.

Matapos ang misa, isinasabit ang mga ito sa labas ng kanilang mga
tahanan upang magsilbing liwanag sa madilim na gabi at maningning na
simbolo na handa na ang pamilya upang salubungin ang pagsilang ng
Tagapagligtas. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply