Plastic PET bottles bawal na sa Muntinlupa

Plastic PET bottles bawal na sa Muntinlupa

Ipinakikita nina Kalingang Munti Action Center (KMAC) chief Mao Agbuya at ng kanyang staff na sina Leo Gozo, Rosemarie Torrigoza at Precy Pillar ang bagong gamit nilang thermal flask (refill bottle) kaninang umaga ng Biyernes (October 21, 2022) bilang pagtalima sa bagong batas na inilabas ng local government unit na nagbabawal sa paggamit ng pet bottles sa lahat ng uri ng inumin sa lungsod.

Nakapaloob ito sa Executive Order No. 42 na nilagdaan ni Mayor Ruffy Biazon nitong October 14, 2022, na nagbabawal sa buong City Hall ng Muntinlupa sa paggamit ng mga empleyado sa mga plastic bottle o PET (polyethylene terephthalate) bottle.

Si Mayor Biazon ay isang avid Makakalikasan Certified Rescue Scuba Diver, eco-friendly at alam ng alkalde ang masamang epekto ng PET bottles sa ecosystem ng karagatan.

Kaya naman hinihimok n’ya ang lahat ng mga kawani ng City Hall ng Muntinlupa na magbaon na lamang ng mga refill bottles sa tuwing sila ay nasa loob ng munisipyo para makabawas-bawas sa kalat ng plastic bottles sa kapaligiran.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply