Gulayan sa paaralan malaki ang pakinabang sa mga mag-aaral

Gulayan sa paaralan malaki ang pakinabang sa mga mag-aaral

Todo ang ngiti ng mga elementary girl scouts student na ito ng Dr. Manuel G. Ramirez Memorial Elementary School sa Malawak Bustos, Bulacan kasama ang kanilang mga magulang nang makatanggap sila ng mga aning gulay ni teacher Maria Laarni Galvez Garcia mula sa kanilang gulayan sa paaralan kahapon (Biyernes) ng umaga.

Ito ang unang ani na ang mga benipisyaryo ay ang mga batang estudyante ng Twinkler Scout at mga magulang nila.

Ayon kay teacher Ayie, ang gulayan ng school nila ay para sa mga estudyante ng paaralan bagama’t kakaunti pa raw ang ani ngayon ngunit malamang na mas marami na ang kanilang ani sa susunod. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply