Halloween blood-letting drive ng Muntinlupa dinagsa

Halloween blood-letting drive ng Muntinlupa dinagsa

Dinagsa ang Muntinlupa Sports Complex sa lungsod Muntinlupa ng mga magdo-donate ng dugo sa isinagawang Halloween Blood Donation Drive kahapon ng City Health at ng Philippine Blood Center-Department of Health sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross, Alagang Kapatid Foundation Inc., Muntinlupa City Medical Society, Rotary Club of Muntinlupa Central, Rotaract Club of Muntinlupa Central, Rotary Club of Muntinlupa East, Rotary Club of Muntinlupa Filinvest, Imagine Rotary, Muntinlupa Blood Council, PNP, Tau Gamma Phi at ng Barangay. Tunasan.

Naging tawag-pansin ang ibang mga health workers na nagsuot ng kani-kanila paboritong anime character (costume play) habang kinukuhanan ng dugo ang donors.

Ang Manila South Cost Players ay sinuportahan ang kaka-ibang blood drive na ito sa Muntinlupa kung saan umabot ang bilang ng mga nag-donate ng dugo sa 371.

Ang Muntinlupa City Medical Society ay nagsagawa din ng libreng bone density screening sa mga senior citizen na donors.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply