Sen. Bong Go nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Malabon

Sen. Bong Go nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng sunog sa Malabon

Sa inisyatibo ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval, patuloy ang suporta
at tulong na natatanggap ng mga kababayang naapektuhan ng naganap na
sunog sa Barangay Tonsuya at Santolan kung saan ay personal na nagtungo
si Sen. Bong Go upang magpaabot ng tulong gaya ng pagkain, groceries
at hygiene kits sa mga biktima ng sunog.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay din ang kanyang tanggapan ng financial assistance sa 138 na beneficiaries upang matulungan silang makabangon muli sa kanilang pamumuhay.

Kabilang sa dumalo sa programa sina Cong. Jaye Lacson-Noel, Coun.
Nadja Vicencio, Coun. Edward Nolasco at Brgy. Captain Jenny Loquez.
(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply