Pagsisinghot ng ‘solvent’ ng mga kabataan lantaran na naman

Pagsisinghot ng ‘solvent’ ng mga kabataan lantaran na naman

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Nagkalat na naman sa mga lansangan ang mga kabataang sumisinghot ng “solvent” matapos na magluwag ang mga local government units (LGUs) sa kanilang nasasakupan sa hindi paggamit ng face mask sa mga lansangan.

Daht dito, nagbabala ang Department of the Interior and Local Government na mananagot ang mga LGU sa oras na hindi maipatupad ang pagsusuot nito sa mga saradong lugar o indoors.

Sa isang lugar sa Novaliches, Quezon City ay lantaran na hindi face mask ang suot-suot ng mga kabataang palaboy kundi isang maliit na plastik bag na ang laman ay “solvent” o pandikit ng sapatos na Rugby na pasa-pasa nilang sinisinghot hanggang maging “high.”

Napapailing na lamang ang mga taong dumaraan, ganoon din ang mga motorista sa nakikitang kawalan ng takot ng mga batang narito na nakuhanan ng litrato na gumagamit ng nakakasira sa kalusugan na substansiya.

Ang patuloy na exposure ng “solvent” ay nakakatuyo sa utak ng isang “user”, ayon sa mga mananaliksik. (ai/mtvn)

Leave a Reply