RED TAPE IS A BUSINESS KILLER: ARTA PANLABAN

RED TAPE IS A BUSINESS KILLER: ARTA PANLABAN

“Reduce Red Tape” ito ang payo ni Ambassador Franz- Michael Mellbin ng bansang Denmark kung gusto natin maging foreign investment destination ang Pilipinas.

Business killer daw ang Red Tape sa mga ahensya ng gobyerno. Sabi ni Mellbin kapag inaanyayahan niya ang mga investors sa kanilang bansa ay ito ang pangunahing reklamo ng mga foreign investors.

At gaano ba kalala ang red tape sa bansa? Tanungin na lang natin ang mga ordinaryong mamamayan sa kanilang karanasan sa pagkuha ng permit o dokumento, o kaya ay mga negosyante.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit laganap ang fixer. Sabi nga ng isang kaibigan – “kumpleto naman ang requirements na pinasa ko pero wala pa rin ang permit ko. Pero noon sa fixer kahit kulang mabilis ang proseso.

Ito ang dahilan kung bakit naisabatas ang RA 11032, EASE OF DOING BUSINESS AND EFFICIENT GOVERNMENT SERVICES DELIVERY ACT. At ang implementing agency ay ang ANTI-RED TAPE AUTHORITY (ARTA).

Naging sumbungan ng ordinaryong mamamayan na biktima ng red tape ang ARTA. Kaya nakapagtataka na may ilang gusto ipabuwag ito. At mas nakapagtataka na mismo ang Ombudsman na dapat katuwang ng ARTA sa paglaban sa korapsyon ang gustong ipabuwag ito.

Bakit? Pareho lang daw kasi ang trabaho ng ARTA at Ombudsman. Pero matagal na may Ombudsman. May nagawa ba ito laban sa Red Tape? Kung meron man ay hindi ramdam ng tao.

Isang prayoridad ni Pangulong Bongbong Marcos ay pasiglahin ang ekonomiya. Sa mga foreign trips niya ay inaanyayahan niya ang nga dayuhan na mag-invest sa Pilipinas. Pero kung talamak ang RED TAPE hindi kakagat ang mga ito. Ganun din ang mga lokal na negosyante. Reklamo nila ang red tape.

Napakaraming pinapapasa na requirements na ang iba ay wala naman koneksyon sa inaaplayan na permit. Napakaraming dinadaanan na opisyal na pipirma. Kung nais natin sumigla ang ekonomiya ay palakasin natin ang ARTA. Huwag ito ang pag-initan na buwagin. Ang ARTA ang sandata laban sa mga pahirap policies ng mga tiwaling Ahensya ng gobyerno.

Sa inyong mga puna o suhestiyon, mag-text lamang o tumawag sa mobile number 09178174748.
(ai/mtvn)

Leave a Reply