Kursong medisina bukas na sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa

Kursong medisina bukas na sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa

Ang kursong medisina ay kabilang na sa scholarship grants ng Muntinlupa City at katunayan ay nagsimula na ang klase nito mula pa noong Lunes, 10 October 2022 sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun).

Sa unang batch ng mga estudyanteng nag-enrol ng kursong medisina, pito (7) sa kanila ay kwalipikado at mga honor students pa kung saan dalawa (2) sa kanila ay Magna Cum Laude.

Ang dalawang grumadwet na may Latin honors at kabilang sa pioneering batch ay sina Jaycee Mae G. Rufino at Tricia Lois L. Guevarra.

Sila ay dating mga dating estudyante sa isang universidad sa Maynila. Kapwa silang grraduate ng pre-med course na BS Biology Major in Medical Biology.

Lubos naman ang pasasalamat ng dalawang estudyante at mga magulang nila nang magbukas ng kursong medisina ang PLMun-OsMun College of Medicine at sila ay napabilang sa kwalipikado at may pagkakataon pang mabigyan ng scholarship allowances ng City Hall ng Muntinlupa.

(Peter Lacang/BC/aimtvn)

Leave a Reply