‘Naglalakihang LED projector billboards sa EDSA ipagbawal!’

‘Naglalakihang LED projector billboards sa EDSA ipagbawal!’

Kapansin-pansin ang mga nakakabit na malalaking LED (light emitting diode) projector billboards na gaya ng narito sa may Cubao north-bound EDSA na kung tutuusin ay maaaring magdulot ng aksidente sa mga motorista dahil maliban sa nakakasilaw ang mga ito, ay malakas makatawag-pansin.

Split-second lang ay pwedeng mag-iba ang takbo ng sasakyan at mauwi sa sakuna kung maibaling ng motorista at maitutok ang kanyang paningin sa LED projector billboard na nagsulputan sa EDSA.

Maging si Senator Sherwin Gatchalin ay napansin na rin diumano niya ang mga nagsulputang mega-LED billboards sa magkabilang bahagi ng EDSA.

“Dapat may mga pagtatakda ang sukat at lugar ng pagkakabitan ng mga billboards na ito upang hindi maging distraction sa mga motorista dahil sa taglay nitong nakakasilaw na ilaw,” ayon sa senador.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply