Tugatog public cemetery ng Malabon mananatiling sarado hanggang Undas

Tugatog public cemetery ng Malabon mananatiling sarado hanggang Undas

PERSONAL na binisita ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang Tugatog
Public Cemetery upang malaman ang sitwasyon at progreso ng rehabilitasyong ginagawa at dahil sa dami pa ng mga dapat na tapusin, mananatili muna itong sarado sa publiko hanggang Undas ayon sa punong-lungsod.

Kalakip sa rehabilitasyon ay ang pagpapatupad ng masinsinang labeling, tagging, at documentation sa bawat labi na nakalagak sa Tugatog public cemetery.

Ang lahat ng mga nakaselyong lagayan ng mga labi ay nilalagyan ng kaukulang identification tags para siguradong tama ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Pinaalalahanan naman ang lahat ng kamag-anak ng mga nakalagak sa
nasabing sementeryo na huwag na munang magtungo sa Tugatog upang matiyak ang kaligtasan sa kalusugan ng bawat isa.

Tiniyak naman ng lungsod na makakaasa ang mga kaanak na gagawin ang exhumation process ng may respeto sa mga labi na nakalibing sa pampublikong sementeryo. Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan lamang sa Tugatog Public Cemetery Redevelopment Help Desk wika pa ng alkalde.

(Jojo Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply