Kalinga ng DSWD kailangan ng mga kapus-palad sa MM

Kalinga ng DSWD kailangan ng mga kapus-palad sa MM

Makikita sila sa halos lahat ng sulok sa Metro Manila (MM) kung kaya’t halos karaniwan na ang ganitong tanawin, mga nakakaawang kababayan na hikahos sa buhay na wala nang matuluyan dahil sa kahirapan at kung saan abutin ng pagod at antok ay doon na ang kanilang kama, sa malamig na semento ng sidewalk gaya nitong suki na ata ng Lanuza Avenue sa Pasig City.

Madalas na nakikita ang palaboy na ito na mismo sa isang sidewalk nagpapahinga at sana ang kagaya niyang homeless na naglipana sa Metro Manila ay mabigyan pansin ni Department of Social Welfare and Development chief Erwin Tulfo upang matugunan ang mga problema ng mga kapus-palad sa Kalakhang Maynila.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply