Pagsusuot ng face mask indoors gagawin nang boluntaryo — Frasco

Pagsusuot ng face mask indoors gagawin nang boluntaryo — Frasco

Ni Liezelle Soriano

LA Times photo courtesy

MANILA — Inaasahang maglalabas anumang oras o araw mula ngayon ng Executive Order si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang gawin nang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask indoors ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco nitong Martes.

Mananatili namang kailangan ang paggamit ng face mask sa pampublikong transportasyon, medikal na transportasyon, at mga medical facility.

Ayon kay Frasco, ito ay napag-usapan sa pulong ng Gabinete na pinangunahan ng Pangulo nitong Martes ng umaga.

“As a result of the Cabinet meeting this morning, it was agreed that the President would be issuing an Executive Order for the IATF’s [Inter-Agency Task Force] recommendation to make indoor mask wearing also voluntary all over the Philippines with a few exceptions,” ayon kay Frasco sa isang Palace briefing.

Patuloy pa ring hinihikayat ang publiko na magsuot ng face mask lalo na ang may comorbidity, senior citizen at hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

“Generally the direction of the Marcos admin is to lift the remainder of travel restrictions of the Philippines which includes easing mask mandates to allow our country to be at par with its Asean neighbors who long liberalized their mask mandates,” dagdag ni Frasco.

Iginiit ng Department of Toursim (DOT) chief na maiging napag-usapan ang pag-aalis ng mandatoryong pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas. (ai/mtvn)

Leave a Reply